//
you're reading...

Project Pera: 12 Tagalog Proverbs on Personal Finance

Project Pera: 12 Tagalog Proverbs on Personal Finance

Sabi ng iba:

Keber ko ba kay Corona.
Keber ko ba sa boxing.
Keber ko sa AI.

Isipin ko pa kaya kung na-impeach si Corona o natalo si Pacquaio at Jessica Sanchez, ako nga hindi nila iniisip.

Marahil tama ka.

May rollback sa diesel, napansin mo ba?

http://rrjovenestate.multiply.com

Pero uso ngayon ang milk tea. Serenitea. MoonLeaf. ChaTime. Happy Lemon.

Bakit kasi ayaw ako suportahan ng bf ko sa VirginiTea na sinuggest ng officemate ko. Sige na nga. EterniTea.

Hindi na rin ganoon kauso ang GM o group messaging sa text kaya medyo nakakatipid.’Yun nga lang nakaka-tempt talaga tumawag na lang. Minsan nga nalilito na ako sa mga promos eh. Unlitext. Combotxt. Alltxt. Supertxt. Siguro sa susunod SuperOverMegatxt.

Pasukan na naman. Napanuod mo ba ‘yung Project Shoebox sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Saturday?

‘Yung isang bata parang plastic bag o canvas bag ‘yung bag niya pagpasok. Umiiyak. Syempre, nakakainggit naman talaga na naka-Hello Kitty ‘yung klasmeyt mo tapos ikaw bag. Plastic bag. Ano laman ng bag mo, isda? Pancit canton? Nakakalungkot. Kasi syempre nakakagana naman talaga pumasok kapag maganda ang bag. Kaya bilib ako sa batang ‘yun. Alam ko in the future, magsisikap ang batang iyun at magiging successful. At pupunuin niya ng bag ang bahay niya.

Dati Jumbo pencil ‘yung favorite ko. Masarap kagatin ‘yung eraser. Tapos ‘yung crayons ko dati tinitipid ko ‘yung 8-pack crayons, kasi alam ko kapag naubos matagal pa mabilhan ng bago. Naalala ko ‘yung sapatos ko dati bungi na pero nilalagyan ng pandikit ‘yung orange na malagkit? (‘Yung makakaalala kung ano tawag dun, paki-comment na lang). Syempre may lace ‘yung medyas ko. At nilalabhan agad kasi uulitin within the week. Feeling ko marami pa ako makukuwento tungkol sa childhood ko. Pero since mapapalayo na, tuloy na natin ang post na ito.

Maulan ang Independence Day today ah.

Masarap matulog. Mag-isip-isip. Kumain. Matulog ulit.

Marami na ang uso ngayon. Nag-iba na rin ang panahon. Marami pang Independence Day ang darating.

Pero kailan kaya tayo magiging malaya mula sa utang, sa bumbay, company loans?

Balikan natin ang nakaraan. Minsan nakakainis di ba kapag paulit-ulit kwento ni lolo at lola. Paulit-ulit, paulit-ulit? Hehe. Pero minsan, ‘yung mga paulit-ulit na mga sinasabi nila ang nakakalimutan natin. Totoo naman eh. Ayaw natin minsan makinig.

Ang unang post para sa Project Pera ay tungkol sa labindalawang salawikain tungkol sa paghawak ng pera. Masasabi kong hindi lang puro pera patungkol ito kundi kung paano rin natin dapat tignan ang buhay. It’s not all about the money, money, money!
Ano nga ba ang sinasabi ng mga salawikain na ito tungkol sa estado ng finances mo ngayon?

  1. Kapag may isinuksok, may madudukot. 
  2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. 
  3. Bahay mo ma’y palasyo, nakatira nama’y kwago. 
  4. Kung walang tiyaga, walang nilaga. 
  5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. 
  6. Kung hindi uukol, di bubukol. 
  7. Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot. 
  8. Matibay ang walis, palibhasa’y nakabigkis. 
  9. Ang taong nasusugatan, nag-iibayo ng tapang. 
  10. Kung may tinanim, may aanihin. 
  11. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. 
  12. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. 

Favorite ko ‘yung # 4. Aside from the fact na gusto ko ang nilaga, totoo naman eh. Hindi naman tayo lahat ipinanganak na mayaman, o may mamanahing yaman. Pero marami ng Pilipino ang nagpatunay na pwede guminhawa sa sipag at tiyaga. Teka, hindi ako nangangampanya ha.

Sana nga mahanap natin ang tunay na kalayaan. Mula sa kahirapan, sakit ng ulo at dibdib kapag may iniisip na utang. At kawalang-kasiguruhan kapag may emergency. Minsan ang sagot pala nasa kasaysayan. Minsan ang sagot pala alam na alam na natin, tulad ng mga salawikain. If I know, after basahin ito, alam ko na ‘yan eh! Sasabihin ng iba. Pero ang totoo. Ang ibig talaga nila sabihin. Oo nga ano.

Pick up line ni Juan kay Maria:

Juan: Pera ka ba?
Maria: Bakit?
Juan: Lagi kasi kita iniisip..

Boom!

I-like sa Facebook!

‘Wag pahuhuli!